Hunyo 22, 1964 nang isinilang ang American author na si Dan Brown sa Exeter, sa New Hampshire, United States.

Nakilala siya sa pagsusulat ng mga nobelang suportado ng matinding pananaliksik.

Nag-aral si Brown sa Phillips Exeter Academy, dating Amherst College. Naging songwriter siya matapos lumipat sa California, ngunit bahagya na lamang nagtagumpay.

Taong 1990 nang isinulat ni Brown ang una niyang libro, ang “187 Men to Avoid”, na nagbigay sa kababaihan ng dating tips. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya sa Amerika at naglingkod bilang English teacher.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pagsapit ng 1998, sinulat niya ang una niyang nobela na may titulong “Digital Fortress”, na tungkol sa intelligence activities at code breaking. Isinulat niya ang “Angels and Demons” noong 2000, hinggil naman sa pagbibigay ng proteksiyon sa Vatican.

Ngunit mas nakilala si Brown sa “The Da Vinci Code”, na nakabenta ng mahigit 80 milyong kopya sa buong mundo.