SA BINYAG NI BABY FEATHER Sam at Jasmin Mari, Isabel at John1 copy

HANDA na ba si Sam Milby na aminin ang relasyon nila ng TV host/blogger/model na si Mari Jasmin?

Nag-post na kasi siya sa social media ng litratong magkasama sila at may caption na, “@mari_jasmn, better luck next year. Haha #CAVSALLIN#NBACHAMPIONS.”

Magkaibang NBA team ang gusto nina Sam at Mari Jasmin, Cavaliers fan ang aktor samantalang Golden State Warriors ang sinusuportahan ng dalaga.

Human-Interest

BALITrivia: Ang ‘I Love You’ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

Bukod dito, hinayaan na rin ni Sam na mag-post ang kumpare at kaibigan niyang si John Prats ng litratong karga niya ang inaanak katabi si Mari Jasmin with Isabel Oli na kuha sa binyag ni Baby Feather.

Tinanong namin ang taong malapit kay Sam kung aamin na ang aktor sa relasyon nila ni Mari Jasmin, dahil sa huling panayam sa thanksgiving presscon ng Doble Kara, talagang ayaw niyang magsalita o magbigay ng detalye kung paano sila nagkakilala o kung nagkikita pa sila.

Kaya big deal sa entertainment reporters nang mag-post si Sam ng litrato nila ng babae na matagal nang napapabalitang girlfriend na niya.

“Honestly, hindi ko alam kung ‘sila na’ ulit, alam ko nag-break sila dati, ‘tapos going out ulit. Baka nga, kasi nag-post na,” sagot ng source.

Ha? Nag-break dati? E, hindi nga sila umamin na sila na!

”Baka kasi gusto niya ‘yung sure na o sigurado na, kasi ‘pag nalamang break na, issue na naman sila,” katwiran sa amin.

Samantala, kasama pala si Sam sa pelikulang Camp Sawi na pinagbibidahan nina Bela Padilla, Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Kim Molina at Yassi Pressman mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Gaganap na camp master ang aktor at siya lang ang nag-iisang lalaki sa pelikula, kaya siya ang leading man ng nagseseksihang girls.

Sa Bantayan Island, Cebu ang shooting ng Camp Sawi, kaya pala napapadalas ang post ng aktor na nasa dagat siya.

Bukod sa Camp Sawi ay busy pa rin si Sam sa tapings ng Doble Kara na laging mataas ang ratings. (Reggee Bonoan)