MOSCOW (AP) — Dalawang atleta mula sa Russia ang pormal na naghain ng apela sa Court of Arbitration for Sport para mabaligtad ang naging desisyon ng International Association of Athletics Federation (IAAF) na i-banned sa Rio Olympics ang buong Russian track and field team bunsod ng isyu sa droga.

Kinatigan ng International Olympic Committee (IOC) ang naging desisyon ng IAAF, na nauna nang nagpalabas ng rekomendasyon noong Nobyembre matapos mabulgar ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang umano’y pagmanipula ng Russian officials sa doping test ng mga atleta.

Iginiit nina race walker Denis Nizhegorodov at Svetlana Vasilyeva na ang pagpigil sa lahat ng Russian athletics member ay hindi makatarungan.

“Competing at the Olympics is the main goal and main honor. We will get that right,” pahayag ni Nizhegorodov, 2004 Games silver medalist.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Now they want to take away my chance to compete at the Olympics, even though I haven’t done anything to cost me a place in Rio,” ayon kay Vasilyeva. “From bitter experience I understand that you can’t wait and hope for a good result, you have to act.”

Ibinasura rin nila ang inihaing plano ng IAAF na papayagan ang ilang atleta ng Russia na sumabak sa ilalim ng Olympic flag.

“I’m a citizen of Russia, a great sports power. I don’t agree with competing under the Olympic flag,” aniya.

Hindi sanctioned ng Russian track and field federation ang naturang apela ng dalawa.