Ilang political detainees ang mabibiyayaan ng tulong sa fund—raising match nina commercial model Kiko Matos at ang dating national taekwondo player-aktor na si Baron Geisler sa URCC “Away Kalye” sa Hunyo 25, sa Valkyrie Night Club.

Ito ang isiniwalat ni Geisler sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kahapon sa Shakey’s, Malate.

“Mabibiyayaan ng kikitaan sa laban na ito sina Michael Montaes at ilang political prisoner at detainees na matagal nang naghihirap sa loob ng kulungan dahil sa kanilang ipinaglalaban. Okey lang sa amin na kami ang mabigwasan basta matulungan lang sila na naghihirap kahit wala naman mga kasalanan,” sabi ni Geisler.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi naman nakaiwas si Geisler na patutsadahan ang makakalaban na si Matos pati na rin ang promotor na si Aguilar na pinapaboran umano ang kanyang karibal dahil sa pagsasanay nito sa kampo ng Deftac na siyang bahay ng mga nag-aaral ng mixed martial arts.

Una nang nagpakita ng pagkairita si Geisler nang ituro si Matos para maunang sumagot sa katanungan.

“Ladies first,” sabi ni Geisler, na dating sumasabak sa iba’t ibang torneo sa taekwondo kasama ang kapatid na naging Olympiad na si Donald. “I was competing before in the old school taekwondo, iyun ba sistema noon na puro bakbakan at hindi na tulad ngayon na point system na,” aniya. (Angie Oredo)