Sinampahan ng kasong qualified seduction at rape sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang isang guro sa Physical Education (PE) sa diumano’y panggagahasa sa 15-anyos nitong estudyante sa lungsod.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade ang suspek na si Kirk Patrick Ferrer, 28, residente sa Block 5 Lot 106, Garden City, Fortunate Village, Barangay San Isidro, ng nasabing lungsod, guro sa STI and Universal College.

Galit na galit ang ina ng Grade 10 student na biktima nang maabutan sa himpilan ng pulisya ang inirereklamong guro.

Nadakip ang suspek sa follow-up operation sa isang convenience store sa Lopez Avenue, ng nasabing barangay kamakalawa ng gabi.

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?

Unang nangyari ang panggagahasa noong Pebrero 20, 2015 matapos imbitahan ng suspek ang biktima sa bahay nito na pinagbigyan ng dalagita dahil dati nitong guro at coach sa volleyball si Ferrer. Pagdating diumano sa bahay ng suspek ay ginahasa ng guro ang estudyante.

Naulit diumano ang panghahalay kayat nagsumbong na ang dalagita sa kanyang ina na agad namang nagreklamo sa pulisya.

(Bella Gamotea)