LONDON (AP) — Nakumpleto ni Andy Murray ng Great Britain ang dominanteng kampanya sa Queen’s Club nang gapiin si Milos Raonic 6-7 (5), 6-4, 6-3, nitong Lunes (Martes sa Manila) para sa makasaysayang ikalimang sunod na kampeonato sa torneo.
Matikas na nakihamok si Murray para maisalba ang laban at sa bawat paghahabol ng karibal tungo sa panalo na nagbigay sa kanya ng karagdagang kumpiyansa bago sumabak sa major tournament – ang Wimbledon.
“It’s a tournament that obviously means a lot to me,” sambit ni Murray.
“It always has a great field and the players I have beaten in the finals, a lot of times have been top players. It’s not like I have had easy finals.”
Bago ang panalo, kabilang si Murray sa walong player na nagwagi ng apat na ulit mula nang simulan ang torneo noong 1890.