Nagtala ng kasaysayan si Grandmaster at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director Jayson Gonzales matapos isagawa ang pinakamabilis na panalo sa loob lang ng limang sulong kontra National Master Michael Gotel sa ikalawang round kahapon sa 2016 National Chess Championships Grand Final-Battle of Grandmasters.

Sinamantala ni Gonzales ang blunder ni Gatel sa isinagawa nitong Queens Gambit Accepted opening upang agad na sukulin ang King tungo sa pagsungkit ng panalo na nagtulak dito upang makisalo sa liderato ng ginaganap na qualifying round para sa mga miyembro ng Philippine Team na sasabak sa 42nd World Chess Olympics sa Baku, Azerbaijan.

Dahil sa panalo, nakamit ni Gonzales ang kabuuang 1.5 puntos matapos naman mapuwersa sa draw kontra sa unranked at qualifier na si John Marvin Miciano matapos ang 31 moves sa Larssen opening.

Niyanig naman ni Woman National Master Chrisy Lamiel Bernales at International Master Chito Garma ang opening round nitong Lunes ng gabi sa pagtatala ng pinakamatinding upset sa torneo na ginagawa sa PSC National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagwagi ang 22-anyos at tubong Talavera, Nueva Ecija at University of the Philippines-Diilman Sports Science student na si Bernales kontra WIM Berverly Mendoza sa ika-102 sulong ng Nimzo Indian Defense.

Binulaga ni Garma si GM candidate Haridas Pascua sa 73-move ng Sicilian game upang makisosyo sa liderato na kinabibilangan din nina GM Eugenio Torre at IM Paulo Bersamina.

Nanaig si Torre kay NM Emmanuel Emperado sa ika-69 sulong ng Dutch Defense, habang pinabagsak ni Bersamina si FIDE Master Narquinden Reyes sa 66 tirahan ng Caro-Kann.

Nauwi naman sa table ang laro nina GM John Paul Gomez vs M Hamed Nouri, GMs Rogelio Antonio, Jr. kontra kay US-based Rogelio Barcenilla, Jr., GM Darwin Laylo kontra kay NM Michael Gotel at National Chess Federation of the Philippines executive director GM Jayson Gonzales at FEU-Diliman grade 11 student/Davao City native John Marvin Miciano.

Sa iba pang women’s matches, nakaiskor din ng panalo si WIM Janelle Mae Frayna kay WIM Mikee Charlese Suede sa 33 tirahan ng Sicilian-Grand Prix; nanaig si WIM Catherine Perena-Secopito kay untitled Lucelle Bermundo sa 49 sulong ng Larsen Opening;

Nanalo si WIM Jan Jodilyn Fronda kay WFM Shania Mae Mendoza sa Closed Sicilian 60-move; tagumpay si WIM Marie Antoinette San Diego kay NCC-Semifinals winner Judith Pineda sa Closed Sicilian 60-m rin; tinagpas ni WIM Bernadette Galas kay WFM Allaney Jia Doroy sa Larsen 31; at nangibabaw si WFM Samantha Glo Revita kay untitled Arvie Lozano sa Queen’s Gambit exchange variation 63. (Angie Oredo)