Hiniling ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCII), sa mga miyembro ng 17th Congress na bigyan ng “emergency power” si President-elect Rodrigo Duterte sa unang anim na buwan nito sa puwesto upang epektibong masugpo ang krimen, ilegal na droga at kurapsiyon.

Sa liham ni Angel Ngu, FFCCII president, kay incoming House Speaker Davao Rep. Pantaleon Alvarez, sinabi niyang dapat bigyan ng emergency power si Duterte upang tuluyan nang matuldukan ang problema sa peace and order, ilegal na droga, trapiko, at kurapsiyon.

“By granting our president-elect emergency powers, he would be able to address the above issues, instill discipline among our people, and set the policies needed to protect and promote the interest of our citizens,” ani Ngu.

Pormal na malukluklok sa puwesto si Duterte sa Hunyo 30.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi pa ni Ngu na dapat ding matugunan ang problema ng bansa sa kidnapping, na kadalasang biktima ay mga Filipino-Chinese, gayundin ang holdapan, carnapping at pagpatay ng riding-in-tandem.

Nagpahayag din ng suporta ang FFCCI sa programa ni Duterte kontra droga. (Leonel Abasola)