Nasugatan ang isang buntis nang matamaan ng bakal mula sa bumagsak na crane sa isang itinatayong condominium sa Pasay City, noong Lunes ng gabi.

Dakong 11:15 ng gabi nang bumigay ang kable ng crane at bumagsak sa isang bakanteng lote sa Service Road, Roxas Boulevard sa kanto ng Lourdes St.

Sa pahayag sa awtoridad ni Jason Diaz, ng Barangay 4, Zone 2, nagising siya sa malakas na pagtalsik ng bakal (rotor) sa bubungan ng kanilang bahay na tumagos sa loob ng kanilang kuwarto. Tinamaan ng bahagi nito ang natutulog at nagdadalantao niyang misis na si Mary Ann Centeno. Gayunman, maliit lamang ang sugat na tinamo ni Centeno kayat hindi na siya dinala sa pagamutan. (Bella Gamotea)

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?