LOS ANGELES (AP) — Ipinahayag ng International Boxing Federation (IBF) na papatawan ng kaparusahan ang boxers na sasabak sa Rio Olympics sa pamamagitan ng pag-alis sa kanilang pangalan sa world ranking at pagbakante sa kanilang tangan na titulo.

Inilabas ng IBF ang naturang desisyon nitong Lunes (Martes sa Manila) bilang pakikiisa sa naunang desisyon ng World Boxing Council (WBC) na babawian ng titulo ang mga prominenteng pro boxers na makikiisa sa boxing competition ng quadrennial Games na nakatakda sa Agosto 5-21.

“Making this decision was not difficult for us,” pahayag ni IBF President Daryl Peoples.

“We felt it was important for the IBF to get involved and take a stance against professional boxers competing against amateurs due to safety concerns, as part of our commitment to this sport is to promote the health and well-being of the boxers,” aniya.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Kamakailan, inaprubahan ng International Boxing Association (AIBA) general Assembly ang pagbubukas ng pintuan para sa paglahok ng professional boxers sa Olympics simula sa Rio Games.

Sa kabila ng kinang ng gintong medalya at titulo bilang Olympian, wala pang prominenteng pro fighter ang lumahok sa isinagawang qualifying tournament ng AIBA.