Nahaharap ngayon sa kasong graft sa Office of the Ombudsman sina Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez matapos aprubahan ng dalawang opisyal ang operasyon transportation network companies (TNC) na Uber, Grab at U-Hop.

Ito ay matapos silang ireklamo ni Pascual “Jun” Magno Jr., kinatawan ng Angat Tsuper Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization Transport Coalition (Stop & Go) Inc., sa anti-graft agency at hiniling na maimbestigahan ang dalawang opisyal dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Pinaiimbestigahan din ng grupo ang mga kinatawan ng TNC sa kahalintulad na kaso dahil sa umano’y sabwatan sa pagkakaloob ng prangkisa sa naturang kumpanya.

Ayon sa grupo, malinaw na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga ito nang pahintulutan nina Abaya at Ginez ang mga TNC na makapag-operate ng kanilang sasakyan sa pamamagitan ng Uber, Grab at U-Hop.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ito, anila, ay sa kabila ng kawalan ng prangkisa na tinatawag na Certificate of Public Convenience (CPC), alinsunod na rin sa Sections 15 at 18 ng Commonwealth Act 146 o Public Service Act of 1940.

Inireklamo rin ng grupo ang pagpirma ni Abaya sa isang department order (DO) na nagpapataw ng moratorium sa pagtanggap ng applications para sa mga taxi franchise. (Rommel P. Tabbad)