MARAMI talaga ang naaadik manood ng The Voice Kids Season 3 hanggang sa ibang bansa.

Kami nga rin, hook na hook sa TVK3 at kapag hindi namin napapanood ay nagtitiyaga kami sa mga late post ng ABS-CBN news at aliw na aliw kami talaga sa banter ng voice coaches na sina Ms. Lea Salonga, Bamboo at Ms. Sharon Cuneta.

Pero heto na, mukhang may problema ang TFC o The Filipino Channel dahil hindi na mapapanood sa ibang bansa ang nasabing programa.

Base mismo sa post ng aming tito na si Bonggo Calawod, na TFC subscriber at loyalist sa lahat ng programa ng ABS-CBN, plano na niyang ipaputol ang kanyang subscription.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang post ni Tito Bonggo na naka-tag sa amin, “I think I’ll consider terminating my TFC subscription.”

Sinabihan daw siya ng, “Hi Bonggo! As a result of programming changes, The Voice Kids Philippines Season 3 will be discontinued on all TFC linear platforms effective immediately. Please check your local listings for new, exciting shows in its time slot.

“However, TVK3 continues to be available on TFC.tv, TFC IPTV and TFC mobile platforms. TFC remains committed to showcasing the best of the Filipino in its programming as it continues to be in service to the Filipino worldwide.—TFC The Filipino Channel.”

Binalikan namin ng tanong si Tito Bonggo kung personal ba siyang tinawagan o sinulatan tungkol dito, pero hindi kami nasagot hanggang sa matapos naming tipahin ang isyung ito.

Bukas naman ang pahinang ito sa mga taga-TFC, Ms. Marian de Vera? (Reggee Bonoan)