DAVAO CITY – Kinuwestiyon ng anak ni incoming President Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga kay Joel Maglungsod bilang undersecretary ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Binatikos ni Davao City Vice Mayor Paolo Z. Duterte ang desisyon ng kanyang ama na italaga si Maglungsod bilang DoLE undersecretary dahil sinisisi niya ang pakikialam ng huli sa welga ng Nakashin frozen product dealer sa Panacan, Davao City, na nagresulta sa pagkabangkarote ng naturang establisimyento matapos itong malugi sa operasyon.

“I’m strongly urging the president-elect (Rodrigo Duterte) to reconsider Maglungsod as the undersecretary,” pahayag ng nakababatang Duterte.

Aabot sa 75 empleyado ng Nakashin ang nag-picket sa gate ng naturang Japanese company upang iprotesta ang contractualization na ipinatutupad nito.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Inakusahan ni Paolo Duterte si Maglungsod na dating may kaugnayan sa Kilusang Mayo Uno (KMU) na itinuturong responsable sa pagkawala ng trabaho ng mga empleyado ng Nakashin. (Yas D. Ocampo)