Iniurong ng NCAA ang nakatakdang pagbubukas ng Season 92 basketball tournament sa na Hulyo 5-10 upang magbigay daan sa idaraos na Manila Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Ito ang kinumpirma ni Management Committee chairman José Mari Lacson ng season host San Beda College kahapon.

Ayon kay Lacson, napagkasunduan ng mga miyembro ng ManCom na bakantehin ang nasabing petsa na tatamaan ng OQT.

“Just like we did in 2014 when FIBA Asia Championship was held in Manila, we are going to have a break on July 5-10 to give way for the staging of the Olympic. Qualifying Tournament and to show our support to our national team,” pahayag ni Lacson.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Bukod sa pagpapatigil ng mga laro ng liga, tiniyak din ni Lacson na ipapakita ng NCAA ManCom ang kanilang suporta sa Gilas sa pamamagitan ng panonood ng personal sa venue.

Target ng Gilas Pilipinas nang muling magkwalipika ang bansa sa Olympics men’s basketball competition pagkaraan ng 44 na taon. (Marivic Awitan)