Pinadapa ng De La Salle University ang University of the Philippines, 59-54 sa dikdikang labanan sa pagbubukas ng bagong ligang Philippine Collegiate League (PCL) Women’s Open nitong Linggo sa Rizal Technological University gym sa Mandaluyong City.

Kumubra ng game-high 22 puntos at dalawang rebound si Katherine Castillo para pangunahan ang Lady Archers habang namuno naman sa Lady Maroons si Antonia Wong na muntik nang makapagtala ng double- double sa naiskor na 17 puntos at walong rebound.

Sa iba pang laro, hiniya ng Polytechnic University of the Philippines ang RTU- Team A, 85-41.

Pinangunahan ni Shiela Ponday ang balanseng opensa ng PUP sa kanyang ipinosteng 10 puntos.

Nabalewala naman ang game-high 11 puntos at walong rebound ni Wiz Duazo.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Dobleng kabiguan naman ang nalasap ng RTU nang matalo rin ang kanilang Team B sa kamay ng Centro Escolar University ,71-64.

Umiskor ng 18 puntos at pitong rebounds ang Nigerian center ng Lady Scorpions na si Messi Lawan upang pamunuan ang naturang tagumpay. (Marivic Awitan)