PAKSA ng mga katoto at ilang staff ng isang TV network ang tungkol sa isang aktres na wala pang napapatunayan sa acting dahil wala naman daw ibubuga.

“Parang napilitan lang naman yata siyang mag-showbiz dahil ‘yung mga kaanak niya ay nasa showbiz din, pero hindi naman nagtagal ‘yung iba.

“Plus may pressure kasi nga galing siya sa angkan ng mga taga-showbiz, pero hindi rin naman kagalingan ‘yung mga angkan niya kasi so-so lang din naman ang mga naging role,” kuwento sa amin ng staff ng TV network.

Sumali raw sa beauty contest ang aktres.

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

“Eh, waley ateng, syolo (talo), ang taas ng pangarap, eh, bokya naman kasi naman ang mga nakasabayan super ang beauty at ang tatangkad. Hayan, naokray pa yata siya that time.”

As of now ay wala raw regular show ang aktres.

“Meron, guesting lang din sa ilang shows ng _____ (TV network). Kung anu-ano na nga lang ang pinasok, eh.”

Dagdag pa, “Nasa marrying age na naman siya, puwede naman na siyang mag-asawa tutal naman ipinagsisigawan naman na ng boyfriend niya na gusto nitong magpakasal na sila.

Susme, kawawa naman ang aktres, nu’ng pinangarap na maging beauty queen, waley; gustong maging artista, mukhang hindi naman tanggap ng publiko o hindi pa niya panahon, so pag-aasawa ba talaga ang sagot?

Wala rin nga kaming makita o hindi namin nakikitaan na magiging bida siya o lalaki ang pangalan niya pagdating ng araw lalo na ngayong may edad na siya kumpara sa nagsusulputang bagong artista ngayon na puro bagets pa.

(REGGEE BONOAN)