Tatlo ang kumpirmadong napatay sa pamamaril sa Sitio Davilan, Barangay Lantic, Carmona, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na si Leopoldo Marasigan, 55, magsasaka; at misis nitong si Lilia, 57 anyos. Patay din ang kapitbahay nila na si Albert Panopio, 64 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 11:30 ng gabi nang dumating ang isang kotse lulan ang tatlong armadong suspek na pumasok sa bahay ng mag-asawa at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang mga ito.

Matapos ito, tumuloy ang mga suspek sa kalapit na bahay na pag-aari ni Panopio at pinagbabaril ito bago tumakas patungo sa direksiyon ng Silang.

Sa gitna ng planong ipatanggal ang Grok: XAI, nakipag-ugnayan na sa DICT atbp

Naisugod pa sa Asian Medical Hospital si Panopio ngunit binawian din ng buhay, habang sugatan naman ang 18-anyos na apo ni Panopio, na nakilalang si Jona Miranda.

Inaalam na ng pulisya ang suspek sa likod ng krimen. (Beth Camia)