Ni Marivic Awitan

Grazielle Bombita of Iriga spikes against Pocari's Erika Alkuino and Kai Nepomuceno  during the 13th season of Shakey's V League Open Conference on Saturday at the Ateneo Blue Eagle Gym in Quezon City. MB PHOTO / KEVIN DELA CRUZMga laro ngayon (San Juan Arena)

4 n.h. -- Iriga vs UP

6:30 n.h. -- Baguio vs NU

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tatangkain ng University of the Philippines at National University na mapanatiling buhay ang kampanya sa Final Four sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa San Juan Arena.

Kasalukuyang nasa ikalima at ikaanim na posisyon sa team standings ang Lady Bulldogs at Lady Maroons, ayon sa pagkakasunod hawak ang barahang 2-3 at 1-3 sa likod ng Laoag na may 3-3 marka.

Mauunang sasalang ang Lady Maroons ganap na 4:00 ng hapon kontra sa sibak ng Iriga Lady Oragons (1-4) bago ang Lady Bulldogs na haharapin ang Baguio Summer Spikers (0-4) sa tampok na laro ganap na 6:30 ng gabi.

Magtatangka ang Lady Bulldogs na makamit ang ikatlong panalo na bubuhay sa kanilang tyansa na makatabla sa Power Smashers.

Mismong si Lady Bulldogs coach Roger Gorayeb ang nagpahayag ng kakulangan sa karakter ng kanyang bataan kaya yumukod sila sa Jet Spikers sa kanilang huling laban.

“Iyon ang sinasabi ko sa kanila, kulang yung character nila,” pahayag ni Gorayeb. “Okay lang matalo, pero we did not lose the game kasi super strong ng kalaban, natalo kami kasi we did not have the heart to win.”

“Alisin na nila ang multo ng nakaraan, hindi tayo maka move on,” dagdag ni Gorayeb. “Matalo man gusto ko we become stronger. Nawawala kasi desire nila to win pagdating ng fourth set and pag fifth set wala na talaga.”

“Nung UAAP ganyan sila, pagdating dito andyan pa rin.”

Sa panig naman ng Lady Maroons, sisikapin nitong buhayin ang tyansang humabol sa huling slot sa semifinals sa pagsagupa sa sibak na ring Lady Oragons.