BEIJING – Sa pagpapakita ng lakas bago ilabas ng pandaigdigang korte ang desisyon nito sa pag-angkin ng China sa South China Sea, nagpadala ang United States Navy ng dalawang aircraft carrier, na ineskortan ng ilang warship, sa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean para magsagawa ng training drills nitong Sabado.

Magkapanabay na naglayag ang parehong carrier na John C. Stennis at Ronald Reagan sa karagatang malapit sa Pilipinas bilang bahagi ng air defense at sea surveillance operations ng Amerika na nilahukan ng 12,000 manlalayag, 140 eroplano, at anim na barkong pandigma, ayon sa United States Pacific Fleet na nakabase sa Hawaii.

“We must take advantage of these opportunities to practice war-fighting techniques that are required to prevail in modern naval operations,” saad sa pahayag ni Rear Adm. John D. Alexander.

Isinagawa ang operasyon sa silangang bahagi ng Pilipinas na malapit sa South China Sea, ayon sa tagapagsalita ng Pacific Fleet.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Malinaw ang mensahe ng training drills ng dalawang dambuhalang aircraft carrier ng Amerika, kasama pa ang mga barkong pandigma nito, at halata ring sinadya ang timing, ayon sa isang opisyal ng Amerika na pamilyar sa pagpaplano ng operasyon ngunit tumangging pangalanan.

Kinukumpleto na lang ng international arbitration court sa The Hague ang mga pagdinig nito sa kasong isinampa ng Pilipinas noong 2013 laban sa pag-angkin ng China sa South China Sea, at inaasahang ilalabas na ang desisyon nito sa susunod na mga linggo.

Pormal na kinuwestiyon ng Pilipinas sa pandaigdigang korte ang iginigiit na nine-dash line ng China, na sumasaklaw sa halos buong South China Sea, kabilang ang karagatang napakalapit sa baybayin ng Pilipinas.

Habang dinidinig ng arbitral tribunal ang kaso, nagpakaabala naman ang China sa nakalipas na dalawang taon sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla, na kumpleto sa mga military runway, sa Spratly Islands, malapit sa Pilipinas.

Sa pahayag kaugnay ng training drills ng Stennis at Reagan malapit sa Pilipinas, sinabi ng Pacific: “As a Pacific nation and a Pacific leader, the United States has a national interest in maintaining security and prosperity, peaceful resolution of disputes, unimpeded lawful commerce, and adherence to freedom of navigation and overflight throughout the shared domains of the Indo-Asia-Pacific.”

Noong nakaraang linggo rin ay nagpadala ang Amerika ng apat na Navy electronic attack aircraft, mas kilala bilang Growlers, at 120 sundalo sa Clark Air Base sa Pampanga. - New York Times