Hindi nakaapekto kay Jonathan Taconing ang kaduda-dudang injury ng nakalaban niyang si World Boxing Council light flyweight champion Ganigan Lopez ng Mexico kaya nakatutok pa rin siya sa kanyang training sa Elorde Sports Complex sa Parañaque City.

Ayaw ng world rated No. 1 at mandatory challenger ng Mexican champion na masira ang apat na taon niyang paghihintay sa inaasam na pagkakataon.

“We are ready,” sabi ng trainor ni Taconing na si Eddie Ballaran.

Naniniwala si Ballaran na gusto lang ng kampo ni Lopez na masira ang kanilang training camp dahil nararamdaman nilang nasa rurok ngayon ang abilidad at husay ni Taconing.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We rested after the fight was postponed. They’re trying to ruin our conditioning, I think it was just a delaying tactic. We’ll go inside, keep attacking and force him to trade,” giit ni Ballaran.

Pinaghahandaan na lamang nila ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang intensive training at lalarga na rin sila patungong Mexico para makasagupa si Lopez sa Hulyo 3.

Naunang sumabak si Taconing sa world title fight kontra kay Kompayak Porpramook sa Thailand para sa kaparehong titulo noong 2012 ngunit nabiktima ang Filipino challenger ng hometown decision.

Lumaban siya nang siyam na sunod pagkatapos noon at isinalansan ang walong panalo sa bisa ng knockout para maikamada ang 22-2-1 record kasama ang 18 TKO. - Gilbert Espeña