SEOUL (Reuters) – Sa isang college major sa elitistang Korea University sa Seoul, ang mga kurso ay matutukoy lamang sa pamamagitan ng mga numero, at inililihim ng mga estudyante ang kanilang pagkatao mula sa mga outsider.
Pinopondohan ng defense ministry, sinasanay sa Cyber Defense curriculum ang kabataang keyboard warrior na pinag-aaral nang libre kapalit ng pitong taong paglilingkod sa cyber warfare unit ng Army—kaugnay ng ilang dekada na nitong alitan sa North Korea.
Noong 2015, tinaya ng South na sa loob ng dalawang taon ay nadoble sa 6,000 ang tauhan ng “cyber army” ng North at sinisikap ng South na matapatan ang para sa kanila ay seryosong banta na ito.