RIO DE JANEIRO (Reuters) – Nagdeklara ng state of financial emergency ang gobernador ng Rio de Janeiro at humingi ng federal funds upang makatupad sa mga obligasyon para sa serbisyo publiko sa buong panahon ng Olympics, na magsisimula sa Agosto 5.
Kailangan ng emergency measures upang maiwasan ang “total collapse in public security, health, education, transport and environmental management,” nakasaad sa dekrito ng Official Gazette ng estado.
Sumadsad ang kita ng bansa, na ang malaking bahagi ay nagmumula sa industriya ng petrolyo, sa nakalipas na dalawang taon kasunod ng pagbulusok ng pandaigdigang presyo ng petrolyo.
Ang pahayag ay kasunod ng pagbisita noong nakaraang linggo sa Rio ni Brazilian Interim President Michel Temer, na nagsabing titiyakin ng federal government na maisasakatuparan ang lahat ng obligasyon para maging matagumpay ang Games.