Binalaan kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residenteng malapit sa Bulkang Kanlaon sa Negros Oriental laban sa posibilidad na maulit ang “phreatic explosion” ng bulkan.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na anumang oras ay maaaring maulit ang pagbuga ng abo ng bulkan, kaya naman patuloy nilang sinusubaybayan ang aktibidad nito.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Solidum ang publiko na huwag lumapit o pumasok sa four-kilometer danger zone, at pinaiiwas din ang mga piloto ng commercial flights na dumaan malapit sa bulkan dahil sa banta ng volcanic ash.

Pinagsusuot din ng face mask ang mga residente malapit sa lugar, dahil mapanganib sa kalusugan ang paglanghap ng abo ng bulkan, partikular para sa mga may hika.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tiniyak naman ni Solidum na palilikasin nila ang mga residente mula sa lugar kapag lumala pa ang sitwasyon.

(Rommel P. Tabbad)