Magbubuhos ng P16.43 milyon ang gobyerno ng Japan sa People’s Television Network (PTV) 4, ang flagship government television station ng Pilipinas.

Ang grant program ay nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras at Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa upang magtanghal ang naturang himpilan ng mga programa ng NHK, ang public broadcaster ng Japan.

Base sa naturang kasunduan, itatanghal sa PTV-4 ang mga programang pang-edukasyon, pangkultura at dokumentasyon na pinaniniwalaang naaangkop at kanais-nais para sa mga Pinoy viewer.

Ayon sa Embahada ng Japan sa Manila, layunin ng proyekto na mapalawak ang itinatanghal ng PTV station hinggil sa programang edukasyon at kultura ng iba’t ibang bansa, partikular ang Japan.

Sen. Imee sa pagkakasakit ni PBBM: 'Wala kasing nag-aalaga!'

Aabot sa 167 dokumentaryo at 522 pelikula ang napili upang makatulong sa pagpapalawak din ng kaalaman sa disaster response ng Japan.

Gagamitin ng PTV-4 ang Integrated Services Digital Broadcasting-Terrestial (ISDB-T), na ang Japan ang unang gumamit ng modernong teknolohiya sa hanay ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa Philippines-Japan Joint Declaration na inilabas noong Hunyo 4, 2015, kinumpirma ng dalawang gobyerno na isusulong ng mga ito ang kooperasyon sa paggamit ng ISDB-T. - Roy Mabasa