LAOAG CITY, Ilocos Norte – Kinastigo ng kampo ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang umano’y kawalang aksiyon ng Commission on Elections (Comelec) at Bureau of Immigration (BI) sa hiling ng kampo nito na maglabas ng hold departure order (HDO) laban sa ilang opisyal ng Smartmatic at Comelec na kinasuhan sa paglabag sa Cybercrime Law.

Samantala, lumitaw sa preliminary investigation nitong Biyernes hinggil sa kaso laban sa naturang technology solutions company na nakaalis na ng bansa at nakabalik na sa Panama ang isang opisyal ng Smartmatic kamakailan.

Ito ay sa kabila ng binitiwang katiyakan ng Smartmatic na hindi aalis sa bansa ang mga respondent sa kaso, lalo na ang ilang opisyal ng kumpanya.

Matatandaan na mismong si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang humiling ng HDO laban sa ilang opisyal ng Smartmatic makaraang madiskubre na pinalitan umano ng mga ito ang script ng automated election system nang walang kaukulang awtorisasyon, sa kainitan ng bilangan ng boto matapos ang May 9 elections.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Yun ang hindi natin maintindihan, kaya ‘yun ang dapat ipapaliwanag nila,” nakasaad sa reklamo ni Abakada Party-list Rep. Jonathan Dela Cruz.

Sinabi ni Dela Cruz, na tumayong campaign adviser ni Marcos, na kapwa hindi inaksiyunan ng Comelec at BI ang kanilang kahilingan na isailalim sa HDO ang mga respondent at ilagay ang mga ito sa watch list ng BI. - Freddie G. Lazaro