Ni ADOR SALUTA

IBINAHAGI ng ilang Kapamilya stars kung paano nila ginunita ang natatanging araw para sa kanilang mga tatay o ang Fathers’ Day.

Kathryn Bernardo: “Actually napaaga ‘yung Fathers’ Day gift ko sa kanya. Binilhan ko siya ng car. Hindi naman niya hinihingi pero naisip ko na kailangan niya ng bagong sasakyan na magagamit, ‘tapos sinurprise ko siya last last month ‘ata so super natuwa siya. Sabi ko sa kanya ‘yun na ang advanced Fathers’ Day gift ko sa kanya.”

Darren Espanto: “I guess it would just be to greet him. Siguro tatawagan ko si Daddy (na nasa Canada), siguro video call naman and still celebrate in a way kahit malayo kami. I miss him. I miss all of them when I’m here and they’re all in Canada kasi.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Arjo Atayde: “Maybe just plan a simple dinner with my dad, that’s it. He’s not maarte, eh. He just likes it simple. If it’s too much he’ll be like, ‘Ah I don’t like this.’”

Sofia Andres: “Gusto ko siyang bigyan ng watch. Kasi parang ang meaning nu’n nanghihingi ako ng time kasi hindi kami nagkikita. It’s like giving him a hint na, ‘I want your time!”

Kira Balinger: “I would give him a card and a long message inside thanking him about everything he did for me and all that.”

Pat Segui: “Maybe I would take him out of the house because he’s always working. When he gets home, he’s always asleep lang so I would just take him out of town, go to the beach or something. That’s probably the best that I could do for him. He doesn’t go out of town because he’s always busy with work but I know he wants to go out kasi.”

Iñigo Pascual: “We don’t have plans but I hope he’s not working. But I’m definitely going to surprise him with something. Hindi ko pa alam kung ano pero I’ll definitely do something with my dad.”

Joseph Marco: “I think the best gift would be to spend time with him. Kasi I haven’t seen my dad for quite a while because he’s living in Zambales so I might visit him and spend time with him.”

Jerome Ponce: “Ewan ko, naiiyak lang ako kasi hindi talaga ako ma-family. Like my parents are separated pero if there’s one thing that I really dream of, sana mabigyan ko ng kotse, relo, kahit ano ‘yung tatay ko. Kahit ano man lang. Kahit wala siyang nabigay para sa akin. ‘Yun lang.”

Gretchen Ho: “That’s always a question I have a hard time with. Movie date na lang because that’s my dad’s favorite past time. So I’ll take him and my family out na lang.”

Jason Fernandez: “I grew up na wala akong tatay pero I grew up na hinanap ko siya and nakita ko siya. Mahal naman pala niya ako and merong istorya sa likod nun at naintindihan ko na. Siguro magulang ay magulang. Tatay mo pa rin ‘yan, dugo’t laman. Ang layo niya, eh, so siguro pabati or greeting na lang ang kaya kong gawin. Matanda na ‘yung daddy ko, eh, so hindi na niya kailangan ng kahit anong materyal na bagay. Siguro ‘yun lang, mabati ko lang siya at ma-express ko ‘yung nararamdaman ko sa kanya, malaking bagay na ‘yun.”

Wil Dasovich: “Nu’ng bata pa ako when it was my birthday my dad would always take me out to baseball games. So if theoretically kung posible ito I would want to take my dad out to a baseball game since at least ngayon kaya ko na, ‘di ba?”

Marlo Mortel: “I don’t know siguro ‘yung ipakita ko lang kung gaano ko siya ka-love. We’re very close kasi sa family ko, so, kung may gusto siya, sasabihin lang niya sa akin then ako na bahala dun. Kung ano kami, stay the same pa rin na strong as a family.”

Arron Villaflor: “Pupunta ako sa Tarlac, to visit may dad, mg family. Lagi kasing busy si Papa sa trabaho. I want to surprise him with a gift, simple lang.”