murray copy

LONDON (AP) — Isang panalo na lamang ang layo ni Andy Murray sa kasaysayan bilang unang player na nagwagi ng limang ulit sa Queen’s Club.

Napatatag ng British star ang kampanya nang gapiin si fifth-seeded Marin Cilic ng Croatia, 6-3, 4-6, 6-3, para makausad sa championship round.

Ang mga four-time winner sa torneo na sinimulan noon 1890 ay kinabibilangan nina John McEnroe, Boris Becker, Lleyton Hewitt at Andy Roddick.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“It would mean a lot,” sambit ni Murray.

“A lot of great players have played here over the years, and winning any tournament a few times is hard obviously. This one in particular has always got a very strong field,” aniya.

Makakaharap ni Murray sa finals si Milos Raonic, nagwagi kontra unseeded Bernard Tomic ng Australia, 6-4, 6-4, sa hiwalay na semifinals.