Hunyo 20, 1977 nang magsimulang dumaloy ang krudo mula sa Prudhoe Bay sa pamamagitan ng Trans-Alaska pipeline patungong Valdez Port sa Alaska. Gayunman, dahil sa problema sa supply ng kuryente at sa nabigong pag-atake ng dinamita, naantala ang paghahatid ng petrolyo. Ang Valdez Port ang nagsilbing ice-free harbour ng Amerika sa dulong hilagang bahagi ng bansa.

Ang tubo ay may habang 789 na milya, may 48 pulgada ang diyametro, at kayang magbiyahe ng 1.8 milyong bariles ng petrolyo. Tumawid din ang tubo sa maraming sapa at ilog, at sa tatlong kabundukan sa Arctic. Kapag nakarating na ang petrolyo sa pantalan, kokolektahin na ng mga oil tanker ang likido para ibiyaheng muli.

Taong 1968 nang matuklasan ang isang malaking oil field sa ilalim ng Prudhoe Bay, at noong 1972, pinahintulutan na ang mga paghuhukay sa Beaufort Sea. Nagsimulang gawin ang tubo noong 1975.

Pinangambahan ng mga environmental group sa Amerika na matutunaw ng tubo ang ilang bahagi ng maselang permafrost, at makaaapekto sa caribou habitats.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'