Box Office

LOS ANGELES (AP) – Ang makalilimuting asul na isda sa Finding Dory ay isa nang box office gold.

Hinigitan na ng Pixar sequel ang kasing lawak ng dagat na expectation sa pelikula sa hinakot nitong $136.2 million sa mga sinehan sa North America, at ngayon ay kinikilala na bilang highest-grossing animated debut sa kasaysayan, ayon sa taya ng comScore nitong Linggo.

Ang pelikulang Shrek the Third noong 2007 ang dating may hawak ng record, sa $121.6 million debut.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Ang Finding Dory, na ipinalabas 13 taon matapos ang Finding Nemo, ang ikalawang may pinakamalaking kinita sa buwan ng Hunyo sa kasaysayan, kasunod ng Jurassic World.

Tumanggap ng magagandang rebyu, itinampok sa Finding Dory ang boses nina Ellen DeGeneres at Albert Brooks.

Pumangalawa sa Finding Dory ang comedy na Central Intelligence nina Kevin Hart at Dwayne Johnson, na kumita ng $34.5 million.

Pumangatlo ang James Wan horror na The Conjuring 2, na kumita ng $15.6 million sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan, at may kabuuang $71.7 million na ang kinita sa North America.

Pasok din sa top five ang Now You See Me 2, na kumita ng $9.7 million; at ang Warcraft, $6.5 million.