LAGAWE, Ifugao - Isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang pinatay ng mga armadong lalaki, na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Tinoc, Ifugao.

Ang biktima ay si Agustin Bugtong Andres, 34, nakatalaga sa 5th IFCAAC, Tinoc Patrol Base Alpha Company ng 77th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa imbestigasyon, dakong 2:00 ng hapon nitong Hunyo 17 at kasama ni Andres ang dalawang tao sa jeep na minamaneho ng kapatid niyang si Rico Andres para mag-deliver ng aning kamatis sa Bambang, Nueva Vizcaya, nang mapahinto sila dahil sa tatlong malalaking bato na nakaharang sa kalsada Tinoc-Kiangan National Road sa Sitio Ubu-ob, Barangay Binablayan sa Tinoc.

Tatlong armadong lalaki ang sumulpot, tinutukan at pinababa sa sasakyan ang biktima bago pinasibad na ang jeep dahil kakausapin lang daw ang biktima.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Gayunman, makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ng mga putok ng baril ang mga kasama ng biktima hanggang sa matagpuan siyang wala nang buhay. (Rizaldy Comanda)