LONDON (AP) — Suportado ng International Olympic committee (IOC) ang naging desisyon ng International Amateur Track and Field Federation (IAAF) na i-ban ang Russian athlete sa Rio Olympics bunsod ng droga.

‘The IOC welcomes and supports and fully respects the ruling by track and field’s world governing body to maintain its ban on Russia because of widespread doping,” ayon sa opisyal na pahayag ng IOC nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Iginiit din ng IOC, organizer at may karapatan para sa mga atletang lalahok, na binibigyan nila ang IAAF ng karapatan para supilin ang abusadong atleta sa track and field.

“The eligibility of athletes in any international competition including the Olympic Games is a matter for the respective international federation,” ayon sa IOC.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa naturang pahayag, tinuldukan ng IOC ang anumang posibilidad na mabaligtad ang naging desisyon ng IAAF nitong Biyernes.

Marami ang umaasa na papayagan ng IOC ang mga atleta na hindi naman nagpositibo sa droga na makalaro sa Rio Games.

Ipinahayag naman ng Russian federation na iaapela nila ang naging desisyon ng IAAF sa Court of Arbitration for Sports.

Nauna nang ipinahayag ni IOC vice president John Coates na kakatigan ng Olympic body ang desisyon ng IAAF.

“I’d be very, very surprised,” aniya. “It’s an international federation’s right to suspend a national federation and I don’t think we would overturn that at all.”

Lumakas din ang posibilidad na madagdagan ang sanction sa Russia at sa mga atleta nito sa hinaharap.

“The IOC will initiate further far-reaching measures in order to ensure a level playing field for all the athletes taking part in the Olympic Games” in Rio,” ayon sa IOC.

Matatandaang inakusahan ng IAAF ang state-run doping center ng Russia na dinoktor ang mga resulta ng doping ng mga atleta na sumabak sa 2008 at 2012 London Olympics.