TALAVERA, Nueva Ecija - Hindi nakapalag ang isang 32-anyos na agricultural technician makaraan siyang masakote ng mga miyembro ng Talavera Police tracking team sa pinagtataguan niya sa Barangay Bacal III sa bayang ito, nitong Sabado.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang suspek na si Cesar Peralta y Duque, may asawa, agricultural technician, ng Purok 2, Bgy. Bacal III.

Inaresto si Peralta sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Anarica J. Castillo, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 88, ng Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija para sa kasong rape. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar