LEZO, Aklan - Napapanahon na umanong gawing tourism destination ang life-sized na tansong monumento ni Dr. Jose P. Rizal sa Lezo, Aklan.

Ayon kay Melchor Cichon, isang historian at lisensiyadong librarian, nakakalimutan na ng kabataan sa ngayon ang mga aral at turo ng ating Pambansang Bayani.

Sinabi ni Cichon na malaki ang potensiyal na maging tourism destination ang rebulto na gawa sa tanso, at posibleng ang nag-iisang tansong monumento ni Rizal sa buong Asia.

Gawa sa Amerika ang bronze statue ni Rizal at ipinadala ng mga taga-Lezo na nakabase roon noong ika-19 na siglo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Jun N. Aguirre)