Papalitan ng administrasyong Duterte ang lahat ng apat na deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga bago nitong protegee, kabilang ang isang dating finance undersecretary sa administrasyong Arroyo.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, sa ikalawang pagkakataon ay nakipagpulong si BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares sa papalit sa kanya na si Cesar Dulay sa Linden Suites sa Pasig City upang magbigay ng tax transition report sa huli, na sinamahan ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez.

Sinabi pa ng mga source na dumalo rin sa nasabing pulong si dating Finance Undersecretary Gaudencio Mendoza, Jr.

Ang iba pang inaasahang itatalaga sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa BIR ay sina Jesus Clint Aranas, isang tax practitioner na dating may kaugnayan sa malaking accounting firm na Sycip Gorres Velayo; Anthony Alvin Aguilar, dating BIR technical assistant at opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG); at isang hindi pinangalanang assistant revenue commissioner.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nabanggit din para sa nasabing posisyon ang isang CPA-lawyer mula sa Ateneo De Manila University.

Dagdag pa ng mga source, dahil ang kasalukuyang mga deputy commissioner ay pawang Civil Executive Service Officers Service (CESO), maliban kay Revenue Deputy Commissioner Stella Sales na co-terminus kay Henares, maaari silang mailipat sa mga bagong posisyon dahil sa bisa ng kani-kanilang CESO eligibility ay pawang permanenteng kawani ng gobyerno na sila.

Una nang inihayag ni incoming President Rodrigo Duterte ang malawakang balasahan sa BIR, na inilarawan niya bilang isa sa mga pinaka-corrupt na tanggapan ng gobyerno.