ISLAMABAD (AP) - Kinumpirma ng mga pulis sa Pakistan ang pagkakaaresto sa isang ina na inaakusahang pumatay sa buntis niyang anak dahil sa pagpapakasal nito sa lalaking hindi gusto ng pamilya.

Ayon sa opisyal ng lokal na pulisya na si Arshad Mahamood, ginilitan ng ina at ng anak nitong lalaki ang 22-anyos na si Muqadas Tofeeq sa Butrawala, sa probinsiya ng Punjab. Si Tofeeq ay 10 buwang buntis.

Ang mister niyang si Mohammed Tofeeq ang nagtungo sa pulisya para magreklamo.

Internasyonal

78 Pinoy na na-detain dahil sa scam hubs sa Myanmar, makakabalik na sa Pilipinas