LONDON (AFP) – Isinumpa ng umano’y pumatay sa British lawmaker na si Jo Cox ang “traitors” nang humarap sa korte nitong Sabado, habang suspendido pa rin ang kampanya para sa EU referendum bilang pagbibigay-pugay sa pinaslang na 41-anyos na mambabatas.
“Death to traitors, freedom for Britain,” sinabi ni Thomas Mair, 52, nang sabihang ilahad ang kanyang pangalan sa harap ng Westminster Magistrates Court sa London makaraang kasuhan ng murder, iniulat ng Press Association ng Britain.
Inulit ang kanyang sinambit nang muling usisain ng korte, sa mas mataas na korte sa Old Bailey sa London haharap si Mair ngayong Lunes at hiniling na magsumite siya ng psychiatric report.