Mga laro ngayon

RTU Gym

7 n.u. -- Opening Ceremonies

8 n.u -- La Salle vs UP

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

9:40 n.u. -- RTU-A vs PUP

10:45 n.u. -- CEU vs RTU-B

Nakatakdang magbukas ng telon ang bagong ligang naghahangad na matulungan at mabigyan ng dagdag na exposure ang mga kababaihan sa collegiate level -- ang Philippine Collegiate League -- ngayon, sa Rizal Technological University gym, sa Mandaluyong City.

Ilulunsad ang liga na nabuo ang konsepto ng national team standout na si Ewon Arayi sa pamamagitan ng pagdaraos ng Women’s Collegiate Open na inaasahang magtatapos hanggang sa katapusan ng Hulyo.

“It’s a league where we can cater to the development of female collegiate basketball. Since there is a need for a league for teams to participate in for exposure,experience and development of their game and of their team,” pahayag ni Arayi.

Kabilang sa mga koponang kalahok sa inisyal na pagdaraos ng liga na magkakatulong na itinataguyod ng Blackwater, RTU gym,Rappler, Li-Ning, Spalding, Army Shirt, PACE, Everbilena at Ao1- (Audience of One) Skills Camp ay ang La Salle, University of the Philippines, RTU-A at B, Centro Escolar University, Polytechnic University of the Philippines, at Blackwater Perlas Pilipinas bilang guest squad.

Nakatakdang magharap sa pambungad na laban pagkatapos ng isang simpleng opening rites sa ganap na 7:00 ng umaga ang UAAP squad La Salle at UP na susundan ng tapatan ng RTU-A at PUP sa ganap na 9:40 ng umaga, bago ang tampok na laban sa pagitan ng CEU at RTU-B sa ganap na 10:45 ng umaga.

“We also want to promote the spirit of women empowerment in sports apart from sportsmanship and using sports as a tool for good governance and better sports development in both the collegiate and national level,” pahayag ni PCL Tournament Head Cayrone Lim.

Ang mga susunod na laro ay idaraos tuwing Biyernes at Linggo habang gaganapin ang kampeonato sa Hulyo 31.

(Marivic Awitan)