DAVAO CITY – Ang pagsusulong ng constitutional convention ang isa sa mahahalagang paksa na tinalakay nang pulungin ni incoming President Rodrigo R. Duterte ang mga opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong Biyernes ng gabi, ayon kay MNLF Chairman Abul Khayr Alonto.

“The MILF and MNLF are united in solidarity with the President-Elect,” sabi ni Alonto.

Gayunman, kailangan pang makipag-ugnayan ang grupo sa dating MNLF leader na si Nur Misuari.

“Well, that is our problem. There is only one MNLF. We will be talking about that. And hopefully, in the next weeks, we will be talking about that,” ani Alonto.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“It’s not only about reaching out. We were together, we are still together. Without prejudice to the charges filed against Misuari, and we will talk to him in this aspect.”

Sinabi ni Alonto na layunin ng pakikipagpulong ni Duterte sa mga leader ng grupong sesesyunista na makuha ang suporta ng iba’t ibang sektor para sa isinusulong na federal system ng bagong administrasyon.

Subalit, hindi naman nilinaw ni Alonto kung mayroon silang sinusunod na timeline para sa mga susunod na pakikipagpulong ni Duterte sa kanilang organisasyon, dahil abala pa ang bagong Pangulo sa paghahanda sa panunumpa nito sa tungkulin sa Hunyo 30.

Aniya, hindi rin nagbitiw ng pangako si Duterte hinggil sa mga kasunduan ng administrasyon ni outgoing President Aquino sa MILF sa pagtatatag ng Bangsamoro. (YAS D. OCAMPO)