Naiwan sa mga kamao ni Welterweight Eumir Felix Marcial ang huling tsansa ng Pilipinas na makadagdag ng silya sa 2016 Rio Olympics sa ginaganap na AIBA World Olympic Qualification sa Baku, Azerbaijan.

Nabigo ang kanyang kasangga na si Ian Clark Bautista sa flyweight category sa torneo na nilahukan ng 469 na boksingero.

Habang isinusulat ito ay nakatakdang sumagupa si Marcial ganap na 4:00 ng hapon kontra kay Abass Baraou ng Germany, nagwagi via knocked out kontra New Zealand bet na si John Nyika noong Huwebes ng gabi.

Nakapagpahinga si Marcial, seeded No. 1, matapos makakuha ng bye sa draw sa unang round bago sumabak sa matinding pagsubok kontra sa German sa 69kg.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Agad na nakasagupa ng 21-anyos na si Bautista, isa sa limang Pinoy boxer na nagwagi ng gintong medalya sa nakaraang taon na SEA Games sa Singapore, ang two-time Olympian na si José Kelvin de la Nieve Linares ng Spain na nagpalasap dito ng kabiguan sa men’s flyweight (52kg).

Pinaglalabanan sa torneo ang unang limang boxers sa Baku sa flyweight (52 kg), bantamweight (56 kg), lightweight (60 kg), light welterweight (64 kg), welterweight (69 kg), middleweight (75 kg) at light heavyweight (81 kg) para sa Olympic quota places pati na rin ang dalawa sa light flyweight (49 kg) finalists, habang ang kampeon sa heavyweight (91 kg) at super heavyweight (91+ kg) ang magkukuwalipika. (Angie Oredo)