MADRID (AP) — Sinabi ni NBA star Pau Gasol ng Spain na kabilang sa “option” na kanyang tinitingnan para makalahok sa Rio Olympics ay ang pagrereserba ng kanyang sperm.

Tumataas ang nadaramang pagkabalisa hindi lamang ni Gasol, naglalaro sa Chicago Bulls, kundi ng maraming atleta sa kanilang paglahok sa Rio Games bunsod ng lumalalang isyu sa Zika virus.

Itinuturong dahilan ang naturang virus sa pagkakaroon ng depekto sa ulo at sukat ng utak sa mga sanggol.

“Freezing sperm is one of the measures I have to consider,” pahayag ni Gasol.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Wala pang pormal na pahayag ang 35-anyos at two-time NBA champion hinggil sa kanyang paglahok sa quadrennial meet.

Pinangunahan ni Gasol ang Spain sa Olympic finals sa huling dalawang edition na pawang pinagwagian ng all-NBA United States.

Nauna rito, nagpahayag ng kagustuhang maitago ang sample ng sperm ni Olympic long jump champion Greg Rutherford para makasiguro na malusog ang sanggol na magagawa niya sakaling magdesisyon na magpamilya.

Ang Zika virus ay nakukuha mula sa kagat ng lamok, ngunit posible itong maisalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik.