Sa kabila ng mga ulat na hindi makakasama ang NBA veteran sa line-up ng France sa darating na Manila Olympic Qualifying Tournament (MOQT), nananatiling malakas na katunggali ang koponan para sa nakatayang slot sa Rio Olympics sa Agosto.

Nasa training camp ng Charlotte Hornets si Nicholas Batum kaya’t malabong makasama sa koponan ng France sa pagsabak sa MOQT na gaganapin sa MOA Arena, sa Hulyo 5-12.

Hindi rin makakasama sa koponan sina Orlando Magic forward Rudy Gobert, Evan Fournier, at Ian Mahinmi.

Sa pagkawala ni Gobert, babaling ang France sa 7-foot-1 na si Alexis Ajinca para bantayan ang depensa.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Si Ajinca ay miyembro ng koponan ng France na nagwagi ng EuroBasket 2013 at kasalukuyang naglalaro sa New Orleans Pelicans sa NBA.

Bukod sa mga beteranong NBA players na sina Tony Parker, Boris Diaw at Florent Pietrus, sasandigan din ng France para sa kanilang kampanya sa OQT si Nando De Colo.

Ang 28-anyos na shooting guard ay naglaro para sa CSKA Moscow, sa VTB United League sa Russia.

Ang agresibong si De Colo na dating kakampi ni Parker sa San Antonio noong 2012-14 at naglaro rin para saToronto Raptors noong 2014, ay nahirang kamakailan lamang bilang Euroleague Final Four Most Valuable Player kung saan siya nagtala ng average na 18.9 na puntos kada laro para sa CSKA Moscow.

Bilang bahagi ng preparasyon ng France, mayroon silang mga tune-up matches sa Pau’s Palais des Sports. Les Bleus na kinabibilangan ng laban nila sa Latvia (Hunyo 16), Serbia sa AccorHotels Arena sa Paris (Hunyo 21), at Belgrade (Hunyo 25) bago sumabak kontra Japan sa Rouen ( Hunyo 28).

Ang France ang isa mga kagrupo ng Gilas Plipinas sa Group B bukod sa New Zealand at makakalaban ng Gilas sa Hulyo 5 sa pagbubukas ng OQT. (Marivic awitan)