NEW YORK (AP) — Umabot na sa $9.2 million ang kinita ng Pixar sequel na Finding Dory nang ipalabas ito sa mga sinehan nitong Huwebes, bagong record sa hanay ng animated film.

Nahigitan nito ang kinitang $6.2 million noong nakaraang taon sa pelikulang Minions. At sa ganitong kalagayan, kinakailangan malampasan ng Finding Dory ang $100 million sa weekend box office at posibleng mahigitan nito ang Toy Story 3 bilang pinakamalaking opening ng Pixar. Ang nasabing 2010 film ay kumita ng $110.3 million.

Kapag talagang nagustuhan ng mga manonood ang Finding Dory, maaari nitong matapatan ang record ng Shrek The Third na ipinalabas noong 2007 at kumita ng $121.6 million.
Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya