LIMA (AFP) - Dinala sa ospital ang dating Peruvian president na si Alberto Fujimori, na nahatulang makulong ng 25 taon dahil sa kurapsiyon at krimen, matapos tumaas ang kanyang presyon at makaramdam ng pananakit ng dila.

Labas-pasok sa ospital sa nakalipas na mga buwan ang 77-anyos na si Fujimori dahil sa iba’t ibang karamdaman.

Kamakailan lamang ay nagkaroon siya ng gastric problems, inoperahan sa katarata, bukod pa sa limang operasyon paraa maagapan ang namumuong cancer sa kanyang dila.

Isinugod sa ospital si Fujimori 12 araw matapos matalo ang kanyang anak na babae na si Keiko sa halalang pampanguluhan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina