PROUD na proud si Aljur Abrenica sa kanyang co-stars sa Once Again na sina Jeric Gonzales at Yasser Marta. Itinuturing niyang kapatid ang dalawa sa GMA Artist Center at natutuwa siya na bukod sa acting ay nagkakasundo rin sila ng kanilang hilig sa musika.

“Nag-start siya no’ng nagdala ako ng gitara at first ako lang ang kumakanta ‘tapos biglang sumali sina Jeric and Yasser. Ang ganda. We found out na connected kami ng music and we blend well. ‘Tapos nakita kong professional sila, passionate sila. ‘Yung bond na na-establish namin sa isa’t isa, matibay na. Masaya lalong pumunta ng taping kasi alam mong makakasama mo sila bilang kung sino sila, bilang si Jeric, bilang Yasser, hindi lang karater na ginagampanan nila.”

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika