NAGTANONG ang kaibigan naming producer ng shows sa ibang bansa na naka-base rin doon kung sinu-sino ang mga sikat na artista dito sa Pilipinas. Binanggit namin ang lahat ng sikat na love teams pati na ang ilang singers na alam naming mabenta rin sa ibang bansa.

Nagulat kami sa reaksiyon ng kaibigan namin sa isang sikat na love team.

“Ay, hindi na sila pinapansin, nagpunta na sila rito, hindi naman tinao ang show nila. Nasawa na sa kanila ang mga Pinoy dito.”

Hindi namin babanggitin kung anong state sa US pero sa East Coast ito, kaya siguro naman may ideya na ang makakabasa ng artikulong ito kung saan flopey ang show ng magka-love team.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Binanggit ng show producer ang ilang singer na nanalo sa reality shows at old time favorite singers na hindi nawawala sa sirkulasyon.

“Sila ang mabenta rito, nakapag-show na sila before, jampacked at nasa four thousand plus ang seating capacity, punumpuno talaga.

“Unlike ‘yung magka-loveteam, nasa 1,800 plus na lang capacity, hindi pa nangalahati, kaya lugi ‘yung producer tiyak,” sabi pa sa amin.

Nakapagtataka na hindi tinao ang nasabing show ng magka-love team, e, sobrang puno ang lahat ng concerts nila! Baka naman hindi lang nila market ang particular na lugar na ‘yun dahil balita namin ay malayo sa city na abot sa one hour drive raw.

Kaya lang, marami na raw ang Pinoy talents na nakapag-perform sa nasabing venue at pawang puno maliban sa magka-love team na ito. (REGGEE BONOAN)