Nagbabala si Senator Paolo Benigno “Bam” Aguirre Aquino IV na mas dadami pa ang krimen sa halip na mabawasan ito sa plano ng pamahalaan na ibaba ang edad ng criminal liability.

Binabalak kasi ng papasok na administrasyong Duterte na gawing 12 anyos lamang ang criminal liability o edad na maaari nang panagutin sa krimen ang isang indibiduwal, sa halip na 15 anyos sa kasalukuyan.

“With the current state of our justice system and the poor condition of our prisons and detention centers, placing a child with incarcerated criminals will likely encourage criminal leanings instead of rehabilitation,” giit ni Aquino, chairman ng Senate committee on youth.

Ayon kay Aquino, dapat pag-aralan itong lubusan dahil sa halip na makatulong baka magdulot pa ito ng malaking problema.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act or Republic Act 10630, walang pananagutan sa batas ang mga edad 15 anyos pababa at isasailalim lamang sila sa kustodiya ng kanilang mga magulang o ipasok sa isang youth care facility o “Bahay Pag-Asa” kapag nakagawa ng kasalanan.

“Rather than meting out full criminal liability to children, we can look at reforms improving our juvenile delinquency facilities or even adding penalties to their parents,” dagdag ni Aquino. (Leonel Abasola)