Tinawag ng Gabriela Women's Party na “midnight cruelty” ang pag-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang Comprehensive Nursing Act, na magkakaloob ng mas maraming benepisyo para sa mga nurse sa bansa.

Sinabi ni incoming Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na hindi katanggap-tanggap ang katwiran ni Pangulong Aquino sa pagbasura sa nasabing panukala.

“The law would have benefitted public health care for Filipinos as it will have mandated the government to assign a nurse for every barangay, every school, and every workplace, make hospitals ensure safer nurse-to-patient ratios and make nursing a humane and decent career by banning contractual, job order, OJT and volunteer job positions,” saad sa pahayag ni Brosas.

“After rejecting the just 2,000 pesos social security pension increase and making lives of senior citizens miserable, Aquino has again proven how heartless Daang Matuwid is for our heroic nurses who have suffered the worst marginalization,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit ng Malacañang na ang dagdag-suweldo para sa mga nurse na hangad ng panukala ay sinaklaw na ng Executive Order No. 201, bukod pa sa kompensasyong nakasaad sa Magna Carta of Public Health.

Sinabi naman ni Brosas na ang pagbasura ng Pangulo sa nasabing panukala at ang mga polisiya nito sa pagsasapribado ng ilang pasilidad ng sektor ng kalusugan, kabilang ang posibleng pagsasara sa 65-anyos na Dr. Jose Fabella Maternity Hospital, ay tatalakayin sa Women's Summit sa Davao City sa susunod na linggo.

Aniya, magsusumite ng mga panukala ang Women's Summit kay President-elect Rodrigo Duterte upang tiyakin ang proteksiyon ng kalusugan ng mga buntis at ang kapakanan ng mga health worker sa bansa. (Charissa M. Luci)