Naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na magpapalawig sa prescriptive period o itinakdang taon para sa pagsasampa ng mga kaso ng kurapsiyon sa ilalim ng Republic Act No. 3019 (“Anti-Graft and Corrupt Practices Act”), ayon sa susog, mula 15 taon para gawing 20 taon.

Bago nag-adjourn ang Kongreso, pinagtibay ng Senado at Kamara ang pinal na bersiyon ng panukala noong Hunyo 6, 2016.

Ipinasa ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang bersiyon nito (Senate Bill 2422) noong Mayo 25, 2015. In-adopt ng Kamara noong Mayo 23, 2016 ang SB 2422, na susog sa HB 4146.

Matapos mapagtibay ng dalawang kapulungan ang panukala, ipinadala na ito sa Office of the President para lagdaan.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

“Violations of the anti-graft and corruption law are considered to be one of the most difficult crimes to investigate and prosecute. They thrive in secrecy and the uncovering of new information to build up the case relatively takes considerable amount of time,” ayon sa may-akda ng panukala. (Bert de Guzman)