Masusubok muli ang tatag ng nangungunang Pocari Sweat kahit hindi kasama ang dalawang pangunahin na players sa pagsabak ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 Shakey’s V League Season 13 Open Conference sa Blue Eagle Gym.

Naghahamon na mantsahan ang wala pang talong karta ng Lady Warriors ang baguhang koponan ng Iriga Lady Oragons sa unang laro ganap na alas-4:00 ng hapon.

Idineklara na out hanggang matapos ang torneo ang mga beteranong players ng Pocari na sina Myla Pablo dahil sa pananakit ng likod at team captain Michelle Gumabao dahil sa iniindang injury strained abdomen.

Gayunman, kumpiyansa ang coaching staff ng Lady Warriors na maitutuloy nila ang magandang nasimulan sa tulong ng mga nalalabi nilang players. (Marivic Awitan)

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya