CLEVELAND (AP) — Hindi naikubli nina coach Steve Kerr at back-to-back MVP Stephen Curry ang pagkadismaya sa “officiating”. At sa lantarang pagtuligsa sa referee, pinatawan sila ng tig-US$25,000 multa ng NBA.
Kinompronta ni Curry ang referee nang tawagan siya sa ikaanim na foul na nagbunga ng kanyang pagkapatalsik sa bench, habang diretsahang sinabi ni Kerr sa post-game interview na hindi katanggap-tanggap ang tatlong tawag ng referee kay Curry sa pagdepensa kay LeBron James.
“Three of the six fouls were incredibly inappropriate calls for anybody, much less the MVP of the league,” sambit ni Kerr.
Sa labis na pagkadismaya, naihagis ni Curry ang mouthpiece na aksidenteng tumama sa isang tagahanga. Kaagad namang humingi ng paumanhin si Curry sa naturang pangyayari.
“I’m happy he threw his mouthpiece,” sambit ni Kerr.
“He should be upset. Look, it’s the finals and everybody’s competing out there. There are fouls on every play. It’s a physical game. ... If they’re going to let Cleveland grab and hold these guys constantly on their cuts and then you’re going to call these ticky-tack fouls on the MVP of the league to foul him out, I don’t agree with that.”
Ang insidente ay kauna-unahan para kay Curry. Huli niyang natikman na ma-fouled out ay noong Disyembre 13, 2013.